Dare to Speak! Dare to Dream!

Gravatar fjordz...alam ku malinis ang hangarin mu. Walang sinoman sa atin sa TIP Voice ang may hangarin na manira lalo pa't ksama ntin sa TIP community. Tayo'y mga tulay ng mga estudyante, nagtitiwala sila sa atin, at sa atin nila pinagkakatiwala ang mga hinaing na nais nilang ipaalam sa sinuman sa loob ng institusyong ito lalo na sa larangan ng akademiko.

Huwag sana nila tayong tanggalan ng karapatan na magbalita.
Hindi natin ninais na tapakan.

Ikaw na ECE student din at bahagi ng departamento na maghahain ng complaint sa nakatataas ay masasabi kong may matapang na paninindigan. Nais mo lamang na maihatid sa kapwa mo mag-aaral ang mga nangyari hinggil sa issue na ito.

Alam ko makakaya mo ang pagsubok na ito.

God bless fjordz.


Gravatar Salamat Tin! Salamat sa suporta!


Gravatar Go fjordan!! hindi man ako writer sa voice o sa kahit na anong pahayagan, isa pa rin akong mag-aaral sa ating institusyon at naiintindihan ko ang iyong panig. Isa kang tunay na mamamahayag.Tama nga naman na dapat ay patas ang lahat sa magkabilaang panig.Ang isang tunay at tapat na manunulat ay may dangal at integridad sa panunulat. Para anu pa at naging 'TIP VOICE' ang pangalan ng ating opisyal na pahayagan sa ating eskwelahan kung iisa lang ang boses na maririnig at kung pawang magagandang balita lamang ang mga dapat na ilabas dito? Panu naman ang mga hinaing ng mga estudyante na hindi sang-ayon sa mga pagbabagong pamamalakad sa ating paaralan? Sino ba ang naaapektuhan kadalasan? hindi ba't tayo ding mga estudyante? San ba nakasalalay ang ating kinabukasan? hindi ba't sa ating mga sarili at sa institusyong ating pinapasukan, institusyong siyang hinuhugutan natin ng ating kaalaman sa kursong ating pinag-aaralan na dapat ay magsilbing matibay nating pundasyon kapag tayo ay nakapagtapos na?

Kaya ang akin lang, dapat ay bigyan tayo(estudyante) ng kalayaang ipahayag ang ating mga damdamin at opinyon sa mga bagay bagay na tayo ay lubusang apektado. Kung anu mang panget o hindi magandang nangyayari sa ating institusyon, nararapat lamang na malaman ng lahat na kapwa namin estudyante dahil sa kadahilanang iisa lamang ang eskwelahan na aming pinapasukan.

At para sa may akda ng 'Whapack', binabati kita! isang karangalan ang magkaroon ng isang katulad mo na manunulat sa ating paaralan. Itayo mo at ipakita ang tunay na kahulugan ng 'VOICE'
Wala kang dapat na ikatakot dahil naniniwala ako na totoo at resonable at makahulugan ang iyong isinulat.
Masasabi kung suwerte ang 'TIP' sa pagkakaroon ng isang manunulat na kagaya mo.
Ipagpatuloy mo lang Mr. Fjordan Allego, naniniwala akong nasa panig ka ng katotohanan at kabutihan!!!


Gravatar hello...
hello...

Merry Christmas!


Gravatar mahirap tlagang maging isang manunulat. May kaakibat na pagdurusa. Pagdurusa sapagkat hindi lahat ng mambabasa ay gusto ang naisulat mo, magreklamo man sila sa naisulat mo, e naisulat mo eto.


Gravatar http://napundingalitaptap.blogsp...go- depensa.html

ah..bastaaaaaaaaaaa!!

andito lang ako kala mo ba.. para san pa't naging magkafriends tayo!!

hindi ko sinimplehan ang issue mong ito.. whatever,,

Gb!


Gravatar Salamat salamat salamat! Isang malaking tulong ang ipinaaabot niyo sa akin sa mga komentong ito. Nawa'y maging maayos lang din talaga ang lahatr! Sana'y hindi rin ito maging daan upang maging tikom ang mga tipoy at tipaya sa mga bagay na naaapektohan sila at tuluytang maging daan din itio sa mas malayang pamamahayag sa TIP


Gravatar Merry Xmas din walking tower!!


Gravatar simula nang matuto akong magsulat hinanda ko na rin ang sarili sa rejectionbs na kaakibat nito.. Salamat!


Gravatar maraming salamat kookoo! babasahin ko ang post mo! Salamat sa suporta! Merry Xmas! hindi pa kita nababati hehehe!!


Gravatar dapat handa tayo sa lahat ng rejections.... hindi lang sa pagsusulat..

uh, medyo hindi pa rin ako satisfied sa pagsususlat ko "uli"...may kulang talaga! amf! pero mahal ko talaga ang pagsusulat... araw-araw!! haaaaaaaaay... sana makapagusap ulit tayo... bakit ba ngayon ka pa nawalan ng phone..pabili ka na... kahit sa recto lan..toink! rich kid ka naman...


Gravatar rich kid ka jan!!! hahaha.. yaan mo since pinayagan mo akong maging dependent sayo, maya't maya kapag may problema ako ititext kita at tatawagan hahaha kakabisaduhin ko na rin ang phone number mo hahaha... ipinapangako ko yan hahaha




Name:

Email:

URL:

Comment:  ? 

 

Commenting by HaloScan